Advertisement

Na meet ko lately si sir Timothy Cashman sa Bikewars III for the first time, di kami gaanong nakapag usap but we are able to talk online and then na interview about some things including syempre the infamous PINAS LOWRIDAZ

So ano ano nga bang napag usapan naming dalawa? Read below:
PHS: Who came up with the idea of Pinas Lowridaz?
Timothy John Cashman: I did..Magkakaibigan lang kami noon.. No group but lots of lowriders.. So sabi ko bakit hindi magtayo ng grupo.
PHS: Okey lang boss ako na bahala mag ayos nito before pa kayo naging isang buong grupo, you do make bikes like that?
Timothy John Cashman: Wasn’t that good but yes I made my own chopper bike before
PHS: Wow nice! and thanks sa picture sir, so nalaman mo lang din that others do choppers as well o you tell them to make ones too
Timothy John Cashman: Nah… Matagal na pala meron lowriders and choppers dito sa Manila. Nalaman ko lang when I met one of them. Right there and then I fell in love with them lowrider bikes
PHS: Pero ang Pinas Lowridaz ang pinaka matunog na pangalan once lowrider bikes ang napag uusapan. How do you make those amazing bikes binibili ba to sa inyo, or you guys just customize certain bikes when asked.
 
Timothy John Cashman: Yes. That was the goal noong binuo namin ang Pinas Lowridaz. Ipalaganap ang lowriding dito sa Pilipinas, Sa Manila.
Build a lowrider scene community, akayin ang mga kabataan na sa bikes na lang kesa sa mga hard drugs and gang
And so far we are proud na nag marka ang lowriders sa eksena. And nakilala ang Pinas Lowridaz. Pero marami din ibang lowrider bike clubs.
Most of the parts we use are handmade. Pinipilipit ang bakal by hand talaga. Real passion. Ginagawa lang pag may umoorder. Minsan yung iba binebenta buong bikes pag naguupgrade or nagpapakit ng bike.
PHS: I see, so you guys are not just a group na intersado sa lowrider bikes your passion makes you wanna be part of it as a whole as well pati ang pag buo nito. Who came up with the idea of BIKE WARS event?
Timothy John Cashman: Yeah. Lowriding is not just a hobby. Its a way of life.
PHS: Who came up with the idea of BIKE WARS event? and this thing about giving school supply is a very good move for you guys
Timothy John Cashman: Kami kami na din nakaisip ng bike wars. It started noong may mga nakakaaway kami na ibang lowrider clubs. Naisip ko na there should be a way paano namin maisettle mga issues. So naisip ko na why not have a bike show at dun patunayan ang sarili, dun patunayan sino maganda bikes, dun patunayan kaninong bike club ang organized. So Bike Wars came to mind.
Pero hindi naman pwede na puro competition lang. Dapat magbunga ito ng maganda. So naisip namin na we should give back to the community as well.
The 1st Bike Wars was a toy at napunta naman ang mga laruan ito sa bahay ampunan.. But toys wouldnt last much.. So nag switch naman kami these couple of years to school supply drive. And it was a success. Hindi kami nagkamali na pwede pala kami makatulong gamit ang lowrider bikes namin.
 
Pero tagumpay ang lahat ng ito coz of everyone whos supporting us and the scene.. At ang lahat ng pasasalamat sa sa mga tumatangkilik at sumusuporta..
PHS: It was really a clever move that you guys used your passion para makatulong din sa iba. Nagkaroon ng saysay ang group dahil dun. Most likely random lang sa palagay mo sir why is it naging hiphop ang mga artist na kadalasang nakakasama sa bike wars?
Timothy John Cashman: Because lowriding is Hiphop as well.
PHS: Kunsabagay it originated with the lowrider cars
Timothy John Cashman: In my opinion, lowriding is the 6th element of Hiphop. And yes, lowrider bikes are from lowrider cars. Wala pa kasi tayo pera para sa lowrider cars, pero eventually doon tayo papunta. Sa ngayon bike lang muna.
PHS: What mostly ang reaction ng mga tao when you guys use your lowrider bikes on streets
Timothy John Cashman: Mostly they’re amazed. Wowed by the blings and once they ask questions about the bikes everybody is in awe. Literally a head turner, neck breaker.
PHS: I can relate to that lalo na nung unang beses na nakakita ako. Sa palagay mo sir what will be the next step and move of the PINAS LOWRIDAZ?
Timothy John Cashman: We will be recruiting more members and continue what we do best, ride and influence the youth to join us instead of joining gangs and be hooked up to hard drugs. As for Bike Wars, we plan to take it to the next level but we would need major sponsors for that. Bigger prices bigger venue bigger better bike wars. Hopefully.
PHS: Any last words for the followers and people who support you? please give your shouts out too, sir.
 
Timothy John Cashman: Last words? I just want everyone to know na hindi lang puro angas ang Pinas Lowridaz. Were all about keepin it real&low and giving back to the community. Anybody who wanna get down with us, we here waiting to give a hand anytime.
PHS: Thank you, sir! salamat sa oras
Timothy John Cashman: I wanna give my shout outs to everyone who supported Pinas Lowridaz’ Bikewars 3 lalo na sa mga sponsors, models and artists specially to sir Ogie Alcasid who was our major sponsor this year. Keep it low as low but stay high as high, Pinas Lowridaz style.
Sure sir. Salamat din sa time. Thanks.
And there you have it, hindi lang puro angas ang Pinas Lowridaz, yes indeed kakaiba nga ito sa porma at itsura palang mapapansin mo, pero nagawa ng Pinas Lowridaz na tumulong habang na eenjoy nila ang kanilang nakahiligan. They gave back to the community, nagkaroon ito ng saysay, oh diba medyo BADBOY… 😀 and before we end it, enjoy PINAS LOWRIDAZ theme song: C’MON LETS RIDE by Flowmatics