Random Interview with Blingzy One

-

Nagpasikat ng maraming hits not so way back. Hits na di natin basta basta makalimutan,
likeMOMAY“, “Bakit ngayon ka lang“, “Pasalamat ka mahal kita” damn we even put them on the DIYES. I still remember the first time I stumbled upon them while browsing Youtube for tracks, and since di ko nakatingin at nakikinig lang napangiti ako dahil sa mala Bone Thugs na atake ng grupo, na parang si Krayzie Bone and Bizzy Bone ay nagtagalog bigla. They became a sensation sa paglabas ng Momay at nagsunod sunod na. They were well respected in the local hip-hop scene, pero asan na nga ba sila? Di ko pa nakakausap si Inozent One, but I’m lucky to talk to Blingzy One. His style are imitated by the others. So ano nga bang nagpa usapan namin dalawa? ano bang pinag kaka abalahan nya ngayon? Read below:
PHS: Kamusta ang isang Blingzy One? anong bago natin ngayon?
Blingzy one: Ang isang Blingzyone? Okay nman sa ngayon padagdag ng padagdag ang edad halos pawala na sa kalendaryo, nanahimik pero kahit ganun paman mahirap kasi alisin sakin ang musika lalo na’t hilig ko talaga ang kumanta at lumikha ng sarili kong kanta simula pa ng pagkabata bonding sa pamilya specially to my nanay at sa aking mga pamangkin, ayun nagsasaya lang kasama ang mga kaibigan.

PHS: Anong pinagka abalahan mo nung panahon na medyo mag laylow kayo?
Blingzy one: Ayun wala nanahimik kasi nung panahong naglaylo kami nung una nag work ako out of town kasi nung panahon namen kahit nakilala kami halos wala pa talagang pera marami kaming nalilikom na respeto at yun ang mahalaga, pero iba na usapan kapag sa buhay mo na at sa mga pangangailangan mo sa sarili mo eh halos wala talaga kaya nuon di kami madalas makasabay sa hiphopan halos pareho kasi kaming independent ni Inozent One yung tipong pag wala kaming raket nganga di kami nakakasama kapag suporta lang ang event at kailangan ng mga pama pamasahe dahil wala din kami. mag ka raket man eh kulang na kulang pa. Kaya ayun laylo tapos babalik kami gagawa ng kanta laylo tas babalik na nman at yung huli naming gawa ay yung kantang pinakapaborito naming dalawa yun ay yung “Bakit ngayon ka lang” at “Pasalamat ka mahal kita” Tapos nun laylo na talaga di na tumatanggap ng shows halos tambay nlang talaga kami sa lugar namen.

PHS: Papano nagsimula ang Juan Thugs? Sinong nakaisip ng ganitong concepto?
Blingzy one: Nagsimula kami kung di ako nagkakamali is year 2008 as Juanthugs na, matagal na kaming magkagrupo ni Inozent as Urban Batallion pito kaming member dun yun ay under din ng 187mobstaz nung year 2003, pag graduate ko kasi ng highschool year 2005 eh sa samar province na ako pinag arala ng magulang ko at dun na din kami tumira. Pero wala eh di ko kinaya ang nakasanayan kong buhay hiphop gala tropa at mas lalo akong nagkainteres na bumalik ng manila nung marinig ko sa internet yung mga kanta sa 187 na ginagawa nila kasama si Inozent, nasa isip ko uy sikat na sila gusto ko ding mag record kasi nung time na nasa province ako may mga love song na akong naisulat. Pinababalik din ako ni Inozent nun mag rap na daw kami. ayun dahil din sa kagustuhan ko rin huminto ako sa kursong pag guguro, tapos pagbalik ko nagkasundo kami ni Inozent na magbuo ng grupo tutal halos lahat ng member namen sa unang grupo eh huminto na nagpasya kami magtayong dalawa at dahil din sa idol naming pareho ang Bonethugs ako as Bizzy sya as Krayzie naisip naming gawing ONETHUGS ang pangalan namin as new group pero nung time kasi na yun eh sa grand central kami nagtatrabaho kay Chubby si chubby eh nag suggest samin na dahil daw sa pinoy kami gawin naming JUAN THUGS at ayun na nga ang ginawa namin.

PHS: Inisip nyo bang gayahin ang style ng Bone Thugs o sadyang fan lang nila kayo? Who and how did you come up with that idea?
Blingzy one: Alam mo nakakatawa nga kapag may nakikita kaming nag cocomment na mali daw dahil ginaya namin ang bonethugs,pero opinyon nila yun lam mo naman dito sa pinas. Kami kasi ay numero unong fan ng BTNH sabihin na nating ginaya namin kasi halos talagang sa bone naman ang concept ng name ng group namen pero ginawa namen to as a pilipino at dalawa lang kami yung parang maging Bone? Ibang usapan yun not into that inspirasyon nmen ang mga legend na yun kasi maliit plang pangalan namen may isip na kami as a musician alam namen kung ano talaga kami bilang mang aawit kailangan mo hanapin yung sarili mo na dun ka makikilala yung tatak na ikaw talaga,wala rin sa isip nmin ang pagsikat basta kami enjoy lang kami sa ginagawa nmin. Hindi namen kailangan iplease ang sarili namen sa lahat masaya na kaming tinangkilik at minahal ng mga pilipino ang kanta namen sa ibat ibang parte ng mundo.

PHS: How do you compose a song? Usually ba may topic na kayo then mag susulat kayo ng sabay? Papano ang way nyo to come up with a track?
Blingzy one: Sa pag compose hindi sa pagyayabang yung album namin eh nabuo ng on the spot writing, on the spot talaga, lalatagan kami ng beat ni Gab sa studio sabay gawa ng kanta at nakakataba ng puso dahil unti unting kumalat at nagustuhan ng mga tao yung ginagawa namin kahit para samin ni Inozent ang tawag namin madalas chamba nagagawa namin kanta halos lahat pa nga hehe.. Masaya lang yung time na yun kasi halos sabay talaga kami gumagawa nagtatagpo nalang kaming dalawa sa chorus at 3rd stanza ng kanta kasi naghahati kami o nagsasalit salitan minsan sagutan. Unang ginawa namin na ganun ang set up is yung kantang “ayoko na” sa panahon namin ang unang love na galit na sa babae yung tipong tinapon mo na lahat lahat ng tungkol sa kanya larawan, ala-ala ultimo sa pangalan dahil isa syang tinik sa puso mo nasaktan ka dahil sa panloloko nga ganun haha.. at sa huling stanza nun pinauso namin yung sagutan sa bawat linya.

PHS: Kamusta ang samahan nyo ngayon ni sir Inozent one? at ng buong 187 Mobstaz?

Blingzy one: Kami ni Inozent okay naman kami minsan inuman kamustahan kwentuhan hindi ko na rin kinukulit about sa pagbalik sa rap kasi ayaw nya pag usapan basta ako hintayin ko nalang pagbalik nya at ako na muna kikilos kahit mahirap kasi nangangapa pa ako kung sino ang tutulong sakin blessed naman ako kasi kahit papano tao na ang mismong humahatak sakin pra magpatuloy. Ako madalas nagkekwento sa kanya hindi parin nawawala yung pagiging makulit nya nakakamis kasama kasi yun na rin talaga ang itinurin kong kuya, sa 187mobstaz naman ok naman kami ng mga kapatid ko dun kanya kanyang diskarte rin masaya dahil halos lahat ay abala succesfull yung iba sumisikat na at yung iba artista na tulad nlang ni Smuglaz, meron parin kaming mga plano na magsasama sama na maglalabas ng mixtape na magkakasama.

PHS: Anong opinion mo about the newer wave of artist lately or sa style nila?
Blingzy one: Ang masasabi ko lang is good lalo na sa bagong style yung trap? Makikita naman naten na talagang ang lakas ng dating at ang lakas ng hatak ng hiphop ngayon imention ko na ang Exbatallion marami mang nang babash pero tignan nyo nman kung ano ang narating nila and may sarili silang style tol at mas humuhusay pa sila sa ginagawa nila ngayon siguro dahil sa nakasama din nila nuon ang Juanthugs nung mga bata pa sila haha.. andyan si Shanti dope na quality talaga yung music nya “para sakin isa sya sa best rap artist sa ngayon” Marami din iba na magagaling aminado ako dyan halos nasa underground lahat ng mga magagaling na artist at talagang kailangan bigyan ng pansin. ayun basta tuloy tuloy lang ang mahalaga nagagawa nyo gusto nyo express yourself kung sino ka gawa ng gawa ng kanta habang mainit dahil malay mo sa susunod pangalan mo nman ang mangningning nuong di ka pinapansin pagputok ng pangalan mo lahat yan magsisilapit sayo sipag lang! Ganyan lang talaga ang hiphop satin wala ka pa sa taas hinahatak kana pababa.

PHS: Did you expect na sisikat ng husto yung Momay? tell me more about that song.

Blingzy one: Momay ayan na haha.. bago ang lahat nagpapasalamat talaga ako,kami sa kanta na yan dahil kung san san kami nyan dinala para magtanghal,umapaw ang pagmamahal at respeto sa amin ng dahil kay momay. Alam mo nung ginawa namin yang kanta as a bonethugs fan naisip kasi namen ni Inozent na need namin ng weed song sa album nmen like bone nag isip kami ng kakaibang pangalan not mary jane,jane, mj, maria, maria juana etc. pero gagawin namin syang love song like sa ibang kanyang weed song, kasi si Inozent pag nag iisip yun gumawa ng kanta ayaw na ayaw nya nung may kapareho o may kapareha basta matagal na kasi pagkakaalam ko naisip nya bigla na momay kasi parang may narinig ata kami sa lugar namin na ganun ang tawag so ginawan namin ng kanta at di kami nag expect sa pagsikat nun kasi halos pinag tripan lang namen yung kanta, habang nagbabantay kami ng store ng i love hustlin ni Chubby boy rest in peace chubs we miss you, ayun balik tayo habang pinapatugtog namin yung beat is naisip ni Inozent yung shotgan shotgan gunja gunja budha budha, at sinabayan ko agad yun ng ang simoy ng hangin sa akin ay lumalamig na. Sabi ni Inozent nun isulat ko na daw ok daw yun nakakatuwa pero hanggang chorus ganun ginawa paunti unti na parang naglalaro lang. tas nagulat kami naririnig ng mga tropa nagugustuhan nila naalala ko si Toney Chrome dati tuwang tuwa sa kanta na yun. Tapos ayun pag may show kami nuon di pa gawa yung kanta, naisasama na namin sa list parang bonus kasi chorus lang kinakanta namin at masya naman at ramdam namin yung lakas ng kanta kasi sumasabay yung mga tao kahit di pa tapos yung kanta. Hanggang sa nagawa at unti unti ng nakilala yung kanta sobrang pasalamat talaga ako kay Momay kundi dahil sa kanya hindi kami nakaapak ng Araneta Colliseum sa isang concert ng Sunugan ni Mike swift at syempre sobrang salamat din kay mike sa pagsasakatuparan ng lahat.

PHS: Anong aasahan namin sayo or sa Juan Thugs in the near future?
Blingzy one: Sa akin need ko lang ng suporta nyo guys at pag pray nyo na sana matapos ko itong solo album na ginagawa ko sana andyan parin kayo at asahan nyong di kayo mabibigo sa pag aantay dahil mas kakaibang Blingzy one ang inyong mapapakinggan Blingzy oneis always brand new! about Juanthugs ganun din ipag pray nyo na sana makabalik kami agad maging available na ulit si Inozent at asahan nyong brand new in a new era ang maririnig nyo sa pagbabalik namin at sana andyan parin kayong lahat para samin

PHS: Mensahe mo sa mga sumorta at nakaka alala parin sau at sa Juan Thugs. shout mo narin sir yung mga gusto mong i shout out at i plug.
Blingzy one: Ayun nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sa Juanthugs kundi dahil sa respeto at pagmamahal na binigay nyo samin hindi kami makikilala o mapapakinggan sa ibat ibang panig ng mundo, sana wag kayong magsawa sumuporta samin dahil kung gaano nyo kami minahal mas mamahalin namin kayo at ipaparamdam namin ito sa pamamagitan ng mga awit na aming malilikha para sa inyong lahat. Shout out sa buong family ng 187mobstaz, kay Gab salamat g sa lahat isa mo parin akong sundalo hanggang sa huli, sa a41 unity records, sa production ni Lil Coli ang Bhebhe boyz, Partners and RhymesMike kosa and Dj Phat, Bahay katay ni Abadon, 727 Clique ni Third flo, Maduming Kwarto ni Pino g kasama ang mga kapatid ko na sila Toney Chrome, Kambal at idol ko na si Kial, Exb, RNR ni Raffy amo, kuya Froilan Ramos ng alabang, Tunog ng muntinlupa, Camisa kalye, Kustom Werks, Higmnds clothing ni paps Omar, syempre ang aking pamilya sa malabon ang ball is life malabon, mga kababayan ko na nagtataguyod ng hiphop sa Westhern samar catbalogan city ang Island wave at Mikrophone tactics at ang nag iisang sponsor ng Juanthugs ang nagtiwala at sumuporta talaga ng tunay samin yung tipong di nman sya kikita samin dahil hindi kami active tulad ng iba halos sikat lang talaga ang mabibiyayaan eh pero tong taong to iba ang nasa likod ng mababangis at makasaysayang sumbrebro na nasusuot ng JUANTHUGS si RAMON VERANO ng STREET STYLE ORIGINALS maraming salamat sa tunay na suporta sa amin. Please like our fan page Juanthugs and harmony and my page Blingzyone JTNH. Maraming maraming salamat Pinoy Hiphop Superstars sa palaging pag mention sa amin.

PHS: Maraming salamat sir at napa unlakan mo tong interview, tatanawin ko tong isang malaking karangalan.

Blingzy one: Maraming salamat din sir sa pagiging bahagi.


Yung pakiramdam na malaman po kung pano nabubuo ang isang sikat na kanta, at ano ano ang daily struggle ng isang artist na hinahangaan mo is always something i look forward to in every interview i have. It’s nice to say that despite the success of Blingzy One or Juan Thugs (collectively) they stay hungry and humble, despite the pause they manage to reinvent, and we can’t wait to listen to them once more. – PHS

PHS
PHS
Founder of Pinoy Hiphop Superstar. Marvel/DC Universe fanatic. Infinity War came true right before his eyes. A "One Man Army" must have. Charismatic poet with the arsenal of arts undefined to many but unique to it's own purpose.